[ K.A.D.A.]
[kada]
[backtrack]
[friends]
[credits]
[return to posts]

[!] parusahan
Tuesday, May 15, 2007

kanina pa kita tinatawagan.

*ring*
*ring*
*ring*

panay ang pag-ring, ngunit wala namang sumasagot.
mga ilang beses ko ring paulit-ulit na dinial ang number mo,
ngunit ilang beses rin akong nabigong makausap ka.

parang kagabi lang, ikaw ang kasama ko.
parang kagabi lang, ikaw ang nasa kama ko.


kagabi tumawag ka, nagkwento sandali, si kwan nakipagsuntukan ke kwan kasi si kwan nakipaganuhan daw kay ano.

wala ako naintindihan sa kwento mo, hindi ko naman kilala si kwan at si ano, pero ikinundisyon ko na ang sarili ko na bagamat hindi mo sabihin, alam kong anuhan ang gusto mong gawin.

"punta ko dyan ha?"

pupunta ka dito sa iisang dahilan. lagi naman.
yun lang naman ang alam mong gawin sa akin.

parausan.

kaya nga ng gabing iyon, pagkababa ng telepono, muli akong naligo, nagpabango at nagsuot ng desenteng panty at bra. eksklusibo, para lamang sa mga panahong tulad nito na kinakailangang akitin kita, harutin ko ang imahinasyon mo, paligayahin ka. yan lang naman ang silbi ng katawan ko para sayo. iisa lang naman ang tingin mo sa akin. sa sarili ko. sa buong pagkatao ko.

parausan.

makalipas ang dalawang oras. kumatok ka na nga sa bahay, ni ha ni ho wala. yun na. lagi namang yun na agad. ikaw lahat. tagatanggap lang naman ako ng kahit anong ibibigay mo. 'di pwedeng humingi. dapat kontento kahit hindi ako nasisiyahan sa istilo mo. halik dito, halik doon. pasok dito, pasok doon. tapos yun na, tapos na. ni hindi ko namalayang tapos ka na pala. lagi namang natatapos ng ganun. kasi nga ikaw lang naman nakikinabang.

parausan.

*ring*

panay ang ring ng telepono mo.
panay din ang ikot ng mundo ko.
ikot ng ikot ang likot likot.

panay ang ikot ng maliit kong mundo
sa ring ng telepono mo,
sa pagkalalaki mo,
sa pagwawalang bahala mo,
sa pagkamanhid mo.
sa pang-aabuso mo.

parausan.

*ring*
*ring*
*ring*
ikot
ikot
ikot
*ring*
ikot
*ring*
ikot
*ring*
ikot

ayoko naaaaa!!!
tama na! nahihilo na ako!
ayoko naaaaaaaaaa!!!

"hello?"
"ha! ay! uy!"
"ok ka lang?"
"ano kasi... umm.. pwede bang pun----"
"uy! mamaya na lang ha? may ginagawa ako! bye!"
*click*
"---ta ka dito...."
*toot toot tooot*

...

at tumigil nga ang ikot.

leche. hanggang kelan ba to? bakit kapag ako nangangailangan hindi pwede? bakit paglibog mo, pwede. kapag akin hindi?
punyeta.
punyeta.
puta.


ako nga pala yun!hahaha

isang puta.


bakit nga ba naghahangad pa ako ng higit pa sa init ng katawan?
eh yun lang naman ang papel ko sa simula't simula?
sa dampi pa lang ng labi niya,
sa alingasaw ng katawan ko pagkatapos niya akong gamitin,
sa gusot ng kumot,
sa mga damit sa sahig,
sa ingay ng iyong bibig,
hanggang doon lang iyon.
hanggang doon lamang...

parausan.

*ring*

heto nanaman...
iikot nanaman...

"hello?"

marahil hindi na nga dapat ako humingi ng kahit ano pa.

"pupunta ako diyan ha? bye!"

marahil hanggang dito na nga lang talaga...


parausan.

kada : erotiKAI

[!] vote AKAPIN for PARTYLIST
Friday, May 11, 2007

para sa mga botante na dyan.
choose the MOST MARGINALIZED or yung
under-represented na sector of society.
yung mga "Persons With Disabilities"
okay?
kaya please vote AKAPIN
"Alyansa ng may Kapansanang Pinoy"



thank you :)
message me for details :p

kada : erotiKAI


Wednesday, May 09, 2007

another shot at happily-ever-after

kada : ehjiboi


Saturday, May 05, 2007

haha. tama nga si marlon.

bullshit talaga pag sinabi nang babae na busy siya sa pagaaral.

diba?

haha.

kada : poor java boy