[ K.A.D.A.]
[kada]
[backtrack]
[friends]
[credits]
[return to posts]

[!] Pangit na Post
Saturday, April 29, 2006

A-Asan ako?

ang bagal ng oras...

B-Bakit andaming tao?

ano yung pinagka-kaguluhan nila dun?..

C-Chapel sa may amin ito ah? Bakit sila nandito?..

ang tahimik..pero bakit?

D-Doon..titingnan ko..

ano ba yun?...

E-Ewan ko..kinakabahan ako..

ang sama ng pakiramdam ko..

F-F-FUCK! teka!

ako yan ah!

G-Gago! hindi totoo ito!

patay na pala ako!

kada : poor java boy


Thursday, April 27, 2006

NEVER THIS FAR
lyrics by: ehji
music by: ehji (parin)

i was there, i was standing
by the window
in a room filled with people
i don't know
then i saw you, we were strangers
different faces
stringed by fate to share
a lifetime of embraces

chorus:
i can never get this far
i could never see the things
that makes me smile
i will never get this
if it weren't for you
if it weren't for you my
friends i'd never get
this far

looking back to the
day we shared that
special smile
i didn't know how
much we've grown into each
other's life
now we're not strangers
anymore
and we have so much more
in store
and as i sing this song to you
i want you to remember that

(repeat chorus)

as i look you in the eye now
i see images of memories
we've shared, our ups and downs
and as i sing to you this
made up rhyme
i want you to remember
that we are here forever

chorus 2:
i can never get this far
i could never find the things
that are important to me
i will never get this
if it weren't for you
if it weren't for you my
friends i'd never get
this far

yes, that's a song. hindi siya sobrang ganda pero pinagmamalaki
ko siya kasi KAYO ang inspiration ko nung ginagawa ko to. actually, parang grad
song nga sya eh. hehe.
mwah people.

kada : ehjiboi

[!] prosti
Wednesday, April 19, 2006

naligo, nagkuskos,
nagpabango..
naglagay ng koloreteng kung anu-ano,

nagbihis, yung maganda
yung magara, yung sexy
at yung sopistikada.

at sa sandaling nagtagpo ating mga mata,
sinimulan ko na ang trabaho,

ang trabaho ng isang puta.

tagayakap
taga salo ng halik,
taga punas ng pawis,
taga kurot ng pisngi

parang nanay,
parang ina.
pero pwede ring puta
tama.
isa kong putang ina.

isang putang inang tinatawagan pagkailangan
paiibigin tapos iiwanan.
isang putang inang matapos iwan,
luluhuran at iiyakan.

isang putang lagi mong sinasaktan,
isang putang palagi kang binabalikan,
isang putang ikaw ang kaligayahan.

at sa bawat patak ng metro ng aking serbisyo,
bayad mo'y puro kasinungalingang pangako,
nag-uumapaw na mga pekeng halik,
at huwad na mga yakap.

at sa patuloy na pagpatak ng aking metro,
sa bawat halik, sa bawat yakap
sana unti-unti ko ng nahahalay na maging parte
ng buhay mo,
at hindi bilang isang putang
sayo'y nagtatrabaho...


[gago.]

kada : erotiKAI

[!] GATAS

Sawa na ko!

Sawa na ko sa pag-gagatas
Sa iyong suso na siya kong pinipiga araw at gabi
Sa iyong dede na aking inaakalang tagapag-ligtas

Sa iyong malaking utong na pinipilit kong kilitiin
Para sa kaligayahang ikaw lang ang nakakaranas
Habang ang pagkatao ko naman ang iyong tinatapyas

Sawa na ko sa gatas ng dodo mo
Na siya ring nagbibigay sakin ng buhay
At maaring lalagot din ng hininga ko

Sawa na ko, ayoko na!
Tama na! Tapusin na!
Hindi ko na kaya!
Gusto ko ng gatas!

kada : the somnambulist

[!] isang pagbubulay-bulay
Tuesday, April 18, 2006

photo by Mingu

minsan ako'y pumikit at nakita ko ang aking sarili
pula, itim at puti

sa gitna ng malawak na karagatan,
lulan ng bankang lumalangoy ng nag-iisa.

sa aking mata'y kumikislap
ang liwanag ng kahel na araw
na nakasandal sa pisngi ng dalampasigan,

umiiyak dahil
sa panaginip na mawawaksan

sa pagdating ng buwan.

photo by mingu

kada : ehjiboi

[!] wOoHoOo!
Friday, April 14, 2006

weebaa! hehe..

kada : annetukinn