[ K.A.D.A.]
[kada]
[backtrack]
[friends]
[credits]
[return to posts]

[!] lipad
Monday, August 25, 2008

nasa condo niya ko nun. tumingin ako sa labas ng bintana at may nakita akong plastic bag na lumilipad. di ko alam pero ako ang unang pumasok sa utak ko noon.

isinantulad ko ang aking sarili sa plastic bag na yun. dinadala lang ng hangin sa itaas, pero pag bumagsak na, di na alam kung asan siya; malayo na sa pinanggalingan.

isang piraso ng basura na umabot sa taas dahil lamang sa swerte.

ano ba kasing iniisip ko? madaming tao na mas bagay sa kanya. mas matalino, mayaman, mas may oras. di tulad ko, wala lang.

pero siya na ata ang pinakamagandang bagay na nagyari sakin. sa kanya ko lang naramdaman mga nararamdaman ko ngayon.

hindi lang maisip ang sarili ko na wala siya. di ko kaya na makita na sa ibang tao na sya sasandal. iniisip ko palang masakit na.

kakapit ako. hanggang mapagod ang hangin sa kakaihip sakin pataas.

kada : ehjiboi