prosti
Wednesday, April 19, 2006
naligo, nagkuskos,
nagpabango..
naglagay ng koloreteng kung anu-ano,
nagbihis, yung maganda
yung magara, yung sexy
at yung sopistikada.
at sa sandaling nagtagpo ating mga mata,
sinimulan ko na ang trabaho,
ang trabaho ng isang puta.
tagayakap
taga salo ng halik,
taga punas ng pawis,
taga kurot ng pisngi
parang nanay,
parang ina.
pero pwede ring puta
tama.
isa kong putang ina.
isang putang inang tinatawagan pagkailangan
paiibigin tapos iiwanan.
isang putang inang matapos iwan,
luluhuran at iiyakan.
isang putang lagi mong sinasaktan,
isang putang palagi kang binabalikan,
isang putang ikaw ang kaligayahan.
at sa bawat patak ng metro ng aking serbisyo,
bayad mo'y puro kasinungalingang pangako,
nag-uumapaw na mga pekeng halik,
at huwad na mga yakap.
at sa patuloy na pagpatak ng aking metro,
sa bawat halik, sa bawat yakap
sana unti-unti ko ng nahahalay na maging parte
ng buhay mo,
at hindi bilang isang putang
sayo'y nagtatrabaho...
[gago.]
kada : erotiKAI
[!] prosti
Wednesday, April 19, 2006
naligo, nagkuskos,
nagpabango..
naglagay ng koloreteng kung anu-ano,
nagbihis, yung maganda
yung magara, yung sexy
at yung sopistikada.
at sa sandaling nagtagpo ating mga mata,
sinimulan ko na ang trabaho,
ang trabaho ng isang puta.
tagayakap
taga salo ng halik,
taga punas ng pawis,
taga kurot ng pisngi
parang nanay,
parang ina.
pero pwede ring puta
tama.
isa kong putang ina.
isang putang inang tinatawagan pagkailangan
paiibigin tapos iiwanan.
isang putang inang matapos iwan,
luluhuran at iiyakan.
isang putang lagi mong sinasaktan,
isang putang palagi kang binabalikan,
isang putang ikaw ang kaligayahan.
at sa bawat patak ng metro ng aking serbisyo,
bayad mo'y puro kasinungalingang pangako,
nag-uumapaw na mga pekeng halik,
at huwad na mga yakap.
at sa patuloy na pagpatak ng aking metro,
sa bawat halik, sa bawat yakap
sana unti-unti ko ng nahahalay na maging parte
ng buhay mo,
at hindi bilang isang putang
sayo'y nagtatrabaho...
[gago.]
kada : erotiKAI